Good day, guys! Eto ako at walang kuryente dito sa amin. Kaya dito ako sa cellphone nagba-blog. Hehe. Quite painstaking, I know. But I figured out magkwento na rin ako kahit papano. Biruin nyo, inabot kami ng bagyo sa Mug Café kahapon. Kasi nga, si Frank hindi man lang nagtext na darating na pala. Haha! Ayun! Stranded kami nina Che at ang kanyang boyfriend na si Lovic. Hehe. Inabot kmi ng 5 am bago naka-alis.
Ihahatid na sana namin si Che sa kanyang tahanan, kaso pagdating sa entrance ng subdivision nila ay tumirik ang sasakyan ko! Waaaa! Nagawan din naman ng paraan. Yun nga lang nakapagtulak talaga si Lovic habang ako ung nasa manibela. Kaya pare, salamat talaga.
Sinubukan naming dumaan sa ibang ruta, e baha na rin. Then, sinubukan namin through diversion road... kaso may bumagsak na malaking puno. Wala talagang makakadaan! Waaa! So we were back from where we started... sa Mug Café. Kinuha na ni Lovic ang motor niya at sa bahay muna namin nakitulog si Che kanina. Wala talagang magagawa at bagsak na ang mga katawan namin. Haha!
Lampas na si Frank dito sa amin. Sa ibang parte ng Lucena may kuryente na ulit. Dito, wala pa. Ngunit makapag-blog lang ay mobile internet na lang ako. Wahaha! Ohman, I miss you guys! Paramdam naman kayo sa akin! Dun sa mga hndi pa nakakaalam, bago na ang number ko last December pa. PM nyo na lang ako para bigay ko sa inyo.
Hanggang dito na muna mga tropapips. Pagod na ako sa pagta-type sa keypads! Haha! Basta, ingat kayo. And I pray that you and all of your loved ones are safe.
Peace out! God Bless.