Kung tutuusin, hindi ko naman talaga dapat intindihin ang bagay na ito. Kasi, kung sa akin lang naman ay sagrado ito at hindi dapat magmadali sa pagdedsisyon. Kasi (para sa akin) ang taong nararapat sa akin ay dadating. Oo, naniniwala ako dun. Hahayaan ko muna na mamuhay ng matiwasay bilang isang taong single.
Pero hindi naman ako tanga. Naghahanap din naman ako. HOY! Hindi ko kinakain yung mga sinabi ko. Wag ka ngang magpakaplastik! Ikaw rin naman, ano? Lahat tayo ay ganun. Kung sino man ang nagsasabing hindi siya ganun? HUWAW!!! Repapips... Ilublob kaya kita sa drum?
Sa panahong ito, marami ang taong tipong "nagkakamali" o kaya'y nagpapadalus-dalos sa pagsasabi ng "OO" o "HINDI" sa isang taong nanliligaw, humahanga, o nagmamahal.
Ngunit aking napag-isip-isip na may tamang uri ng pagkakamali. May isang taong mapaglaaanan mo ng sarili mo, hindi lang sa mga mabubuti mong katangian. Kung mahal ka niya ay tatanggapin niya kahit ang iyong mga masasamang katangian. And, of course, vice versa. Kumbaga ay kasama yun sa package dun sa nabili mong combo meal (Hehe.) It's not always rainbows and butterflies. Ano kayo? SIRA?
Hindi ko na alam kung dapat ko ba intindihin ang isang taong hunihingi ng payo, o nagtatanong kung ano ang dapat gawin kung nagkatampuhan, nag-away, o nag-break. Pero bakit nga ba naman hindi? Dapat lang naman ako makinig. Kailangan din naman nila ng outlet para sa kanilang mga nararamdaman. Wala sa akin yun.
Ganyan talaga ang magkakaibigan. In return, makikinig din naman sila sa'yo kapag ikaw naman ang nangailangan. Lahat naman tayo ay nangangailangan ng ganun. Oo, nandun yung ideya na... ang galing mong magpayo, pero sa sarili mo, hindi mo magawa kapag ikaw na ang nasa situwasyon niya. E, ano ngayon?
Alam mo ba... Yung mga taong hindi mo aasahang magiging sila... ay... nagiging sila! Yun bang mga tipong ayaw mong sila ang magkapares... ay... sila ang nagkakapares!
Ang tanga naman ng tanong ko. Siyempre! Alam mo! Hehe. Ewan ko ba, ewan ko na... Pag nagka-problema, wala na...
Dapat ba talagang tawaging isang pagkakamali ang isang pagkakamali? Ewan ko ba. Sabi nga nila, kapag umiibig ka, walang utak-utak! Puso ang iiral! Yun nga lang, alam naman nating MALI yun.
Ingat-ingat na lang. Wala mang perpekto sa pag-ibig, marami namang paraan para ito'y magtagal.
ALAK PA NgA...