7.10.2008

Akala mo naman kung sino...

Kung matamaan ka sa alin man sa mga to, e di ikaw yun!

1. Pare, ayos ka rin a! Ang angas mo makatingin. Akala mo kung sino kang lider-lideran. Puro ka lang hangin, wala ka namang ibuga. Tama na yang pag-astang matapang. Yan ang lalamon sa'yo.

2. Ate, pare-pareho lang tayong nagtatrabaho. Mahal ko ang aking musika. Mahal ko ang mga boss ko. Wala namang biruan ng ganun.

3. Alam mo, hindi por que lasing ka na, e gaganyanin mo na ako. E ako nga, hindi ko pa iniisip yun, inuunahan mo na ako.

4. Umuwi ka na. Wag mong kalimutan ang iPhone ko ha?

5. Wag mo akong gagalitin. Pag dumating dun, ay sori ka na lang.

6. Naninibago ako sa'yo kapag tayo ay nagkikita. Maamoy lang kita ay tindig na ang lahat sa akin.

7. Totoo ba yung sinabi mo? Baka naman nag-iisip lang yun. Babalik din ang lahat sa normal.

8. Kung anuman ang desisyon mo ay susuportahan ko. Ingat ka lang.

9. Pare, suntukan na lang kaya?

10. Bec, ang sarap talaga ng Caldereta mo. Heehee!